1 | 2 | 3 | 4

Walang patid ang buhos ng ulan.

Nakayuko ang mga dahon at bulaklak

sa bendisyon ng abong kalangitan.

Tulad sa isang pamahiin, sinabit

ko sa labas ng bahay ang iyong damit

para raw tumigil ang pagtangis ng langit.

Nagsimula na sa pagluluto si Nanay sa kusina:

ang paborito mong pansit bihon at biko.

Patuloy ang pagdating ng mga kamag-anak at kapitbahay.

Tatambad sa kanila ang larawan mo sa lamesita sa sala.

Mapapatingin sa iyong malamig na titig,

At para bang may nahawing kurtina sa bintana ng kanilang

alaala:

malupit dahil malinaw

wika ng isang makata.

Nakasindi pa rin sa sala ang kandilang

hinihipan ng hangin tila pinapatahan

sa kanyang walang-patid na pagluha.

Nagtitipon kami ngayon rito

Sa bahay na kasabay mong tumanda

At kaming mga apo mong di-nagtanda.

Hayaan mong handugan ka namin ng panalanging

pinapalipad namin sa hangin,

sa pangunguna ni Apong Edith, para sa eternal

na kapayapaan ng kaluluwa mo, Tatang Tony.

Bago ang salo-salo ay hinipan ko ang kandila,

namasdan ko ang marahang

pag-ilanglang ng usok.

Hanggang humalik sa langit.

Bio: Ako si Adalric G. Cabal, Ric kung tawagin ng ilang kaibigan at kamag-anak, isang pampublikong guro sa sekondarya. Nagtuturo ako ng Filipino at Malikhaing Pagsulat. Sa kasalukuyan, ako ay abala sa pag-aalaga kay Yumi, isang shih tzu at pagbibisikleta (bikepacking).

Isa ito sa naiwang pamana kay Papa ni Lolo

namana pa niya ito sa kanyang yumaong ama.

sSakit na dumadaloy sa dugo ng pamilya: gout.

Unti-unting bumuway ang haligi nitong bahay.

Alam kong parating na si Lolo Totoy,

Dahil sa tunog ng tukod at paang

hinihila na lang, di-maihakbang.

Uupo sya sa tumba-tumba,

aso nya naman sa ibaba.

Ipagtitimpla ko ng kape

na lumaon ay nalaman

kong bawal pala sa

may ganoong sakit.

Pait aking hatid!

Gaya ng naging

Kapalaran niya.

Kapeng kulang

sa tamis, tubig

na lumamig.

Ilang buwan nang

hindi humuhupa

pamamaga ng paa

ni Papa kaya

Dinala sa doktor

at doon nakita.

Lumiliit daw

Ang buto nya

Sa tuhod at nag-

kikiskisan kaya

makirot at di-

makalakad o

makatayo.

Binilhan ko

siya ng tukod.

Tuwing umaga,

parang ako

ang matanda,

siya nama’y

batang sabik

na matututong

lumakad. Nag-

aapuhap ng

tatag ng tuhod.

Dito lalong

tumibay ang

aming pamilya

dahil tukod

namin ang

isa’t isa.

Bio: Ako si Adalric G. Cabal, Ric kung tawagin ng ilang kaibigan at kamag-anak, isang pampublikong guro sa sekondarya. Nagtuturo ako ng Filipino at Malikhaing Pagsulat. Sa kasalukuyan, ako ay abala sa pag-aalaga kay Yumi, isang shih tzu at pagbibisikleta (bikepacking).

Bukás, pintô ng aparador.

Sa loób nito ay naka-hanger,

Orange polo shirt.

Bukás, bintanà.

Sinasayaw-sayawan ito

Ng kurtínang pinaiitim

Ng alikabók at mainit-init

Na usok na iniluluwa ng bintanàng

Hinahalik-halikan ng kurtína.

Iginuguhit ng aníno ay isang ulo

(Kung kaniyang tawagin)

—aníno ng ulong walang kahit ni isang

Hibla ng buhok;

Aníno ng ulong may tukâ.

Mainit-init, hanging inihihinga ng bintanà.

Bio: MAKATANG NOBELISTA si Adíng Kiko o Francis Gallano Delgado sa tunay na búhay. Unang edukasyon niya sa San Sebastian College – Recoletos de Manila, at University of Manila. Nang lumaon ay kumuha siya ng kurso sa batas at naging editorial staff sa isang student campus ministry newsletter at law journal. Naging honorary member ng lingguhang pahayagang pangkampus na Dawn, napiling makasama sa AILAP Writing Lab at nakapagtapos sa palihan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), at rehistrado bilang awtor/manunulat ng National Book Development Board (NBDB). Lumabas ang kaniyang mangá akda sa Dawn, at sa literary folionitong Dimension. Inilathala din,ang kaniyang mangá tula at katha, sa libreng tri-annually published na MaMag malayang magasin, at Dawn Poets Society quarterly literary journal, Artikulo Ko To! onlayn, Ovo | Zen, taunang Gawad Alagad Panitikan, at iba pang mangá akdang inilimbag sa tulong ng Tagak Series, at Centralbooks, Philippines Graphic, at Ani ng Cultural Center of the Philippines Intertextual Division. Ginagamitan ng mangá sagisag-panulat, ng nabanggit na awtor sa Tagalog na si Delgado, ang kaniyang mangá pampanitikang akda. Siya ay isa sa mangá alagad ng panitikang Filipino—tagapagturo, patnugot, mangangatha. Nag-aral siya ng kursong Malikhaing Pagsusulat sa Ateneo, at ng kursong Creative Writing sa La Salle.

Gagambang báhay,

Sinasaputang uhay.

Nagbagong búhay.

Mahimbing, tulog.

Payapa sa palayang

Dugo at pawis.

Pinapalakol:

Umiiyak ng dugo,

Punong milenyum.

Punong kay taas,

Kapag nilalagare’y

Maitutumba.

Bulawang dahon,

S’yang lumilipad-lipad

–lakbay-diwa.

Luha ng Inang,

Kinalbong kagubatan,

Baha at init.

Biglang sumulpot,

Kumukutikutitap

–kabuteng lason.

Namumukadkad,

Bulaklak sa kalansay.

Binagong búhay.

Madilim, langit.

Marubdob na damdami’y

Ikinukulog.

Wag manlupaypay,

Mangá dahong bulawan.

Heto, pamaypay.

Dahon sa ulap.

Usok sa alapaap

At alitaptap.

Pasayaw-sayaw.

Gumuhit, bulalakaw.

Daho’y nauhaw.

Luha s’yang ambon.

Estero: “Aking ampon,

Báhay ko’y kapon.”

“Bawal, tambay d’to.”

Wikang masigasig ng

Manggang kulubot.

Lo, umuungol

‘Kong lipas sa panahon

−mangá panahon.

Epoch ng plastik.

Planeta sa kawalan

Kung ako, kulang.

Luluha, Araw.

Apoy, kaniyang poot

Sa Reynang Buwan.

Kinakapos ng

Hininga, lupang tigang

Sa luha’t pawis.

Kay Lolong baul

−‘binubuklat na kaho’y

Katawang hubad.

Pumutok, bulkan

−laplapang Eba’t Adan.

Usok sa langit.

Wika ng tiktik:

“Tinamaan ng lintik,

Pangit na itik.”

Humihikab ay

Damong inalikabok.

Ihi, pandilig.

Listang kay liit;

Iniiwasang pilit,

Dahon ni Judith.

Daho’y dumating

Reynang Buwa’y nagwika:

“Pambayad-utang.”

Bibig, tinastas.

Dilang iniwasiwas,

Undin, matatas.

Bio: MAKATANG NOBELISTA si Adíng Kiko o Francis Gallano Delgado sa tunay na búhay. Unang edukasyon niya sa San Sebastian College – Recoletos de Manila, at University of Manila. Nang lumaon ay kumuha siya ng kurso sa batas at naging editorial staff sa isang student campus ministry newsletter at law journal. Naging honorary member ng lingguhang pahayagang pangkampus na Dawn, napiling makasama sa AILAP Writing Lab at nakapagtapos sa palihan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), at rehistrado bilang awtor/manunulat ng National Book Development Board (NBDB). Lumabas ang kaniyang mangá akda sa Dawn, at sa literary folionitong Dimension. Inilathala din,ang kaniyang mangá tula at katha, sa libreng tri-annually published na MaMag malayang magasin, at Dawn Poets Society quarterly literary journal, Artikulo Ko To! onlayn, Ovo | Zen, taunang Gawad Alagad Panitikan, at iba pang mangá akdang inilimbag sa tulong ng Tagak Series, at Centralbooks, Philippines Graphic, at Ani ng Cultural Center of the Philippines Intertextual Division. Ginagamitan ng mangá sagisag-panulat, ng nabanggit na awtor sa Tagalog na si Delgado, ang kaniyang mangá pampanitikang akda. Siya ay isa sa mangá alagad ng panitikang Filipino—tagapagturo, patnugot, mangangatha. Nag-aral siya ng kursong Malikhaing Pagsusulat sa Ateneo, at ng kursong Creative Writing sa La Salle.

mga pagsusuri

ni D

Unang Pagsusuri

Sapin-saping buntonghininga sa mala-bulawang hardin.

Sinisiga ay ilang upos na basyo ng sigarilyo

—ilang basyong nagtatago sa lupang tigang.

Kalayaan, kasarinlan, independencia.

Ilang ulit sinasagasaan ng mga panahon

ang bayan ng San Lorenzo

matapos huling bumisita ang tala

na malimit magpakinang

sa aming baryo.

At noo’y binansagan kaming

mga makata sa lipunan ng bukang-liwayway

sa kabila ng aming kapansana’t karamdaman.

Kami daw ay mga makata 

at kami ay nagalak dahil sa kaming naging kapakipakinabang.

Pero, iba na ngayon.

Kung dati-rati ay di kami iba sa sarili naming bayang mahal,

ngayo’y banyaga na ang turing sa amin ng lipunan.

Mga diyos na daw ang pagkakilala namin sa aming mga sarili’t 

napapaibabaw na sa mga tala ang aming mga paninindigan.

At kami’y pinaslang ng katahimikan,

di mabilang na mga panahon ng katahimikan.

May lunas din pala ang ilang malalang karamdaman 

sa tuwing nadirinig namin ang tunog mula sa rondalya.

Nadarama ang pagyanig ng paligid

nang dahil sa mga ugong ng banda

at iba pang may kinalaman sa mga awitin

at samot-saring mga instrumento ng sarisaring musika

na wari ay mala-paskong eksena ang galian sa may Tahian.

Pangalawang Pagsusuri

Sa panagimpan dumungaw ang pangarap:

  kumukutikutitap na mga diyamante sa langit,

  hinahayaan ang pagbuhos ng ulan,

  bumubuhos ang higit sanlibong panagimpan.

Sa bukás na bintanà ay may gagambang báhay,

bukás kahit sa paniking nawalan ng kuweba.

Mabuti pa ang báhay ng sa gagamba,

di na kailangan umiyak ng dugo

ang pinapalakol na punong milenyum.

Ayon sa iilang eksperto, ang edad ay may apekto sa paningin.

Ang paningin ay may kakayahang humubog ng pagtingin

sa mga bagay-bagay. Nang dahil sa pagtingin

kung kaya naman ang iba sa atin ay buháy, at

ang iba ay di na humihinga pa.

Mahalaga na mapanatili natin na buháy ang ating sarili,

sa kadahilanang may ilaw ang búhay

na may kakayahang bigyan ng linaw

ang ating paningin—ang linaw na ito ay ang siya mismong

nagpapaliwanag ng iilang paningin.

Imbes na dukutin ayon sa sinaunang karunungan, ay

kagustuhan natin na panatilihing gumagana ang ating

makasalanang mga mata, dahil naniniwala tayo

na ang mga pirasong ito ay mga biktima lamang.

Di sila ang tunay na may sála.

Ang may kagagawan ay nagbabalatkayo

sa iilan sa atin; binulag ang iilan sa atin dahil

may kapangyarihan ang iilan sa kanila

at may kakayahan ang iilan sa kanilang mga makapangyarihan.

Masaklap nito’y higit pa sila sa mga biktima.

Titipa nang titipa sa bawat butil ng rosaryo.

Dadalawin ng insomya kagaya kagabi

kagaya kagabi

kagaya kagabi

kagaya kagabi

kagaya kagabi

kagaya kagabi

kagaya kagabi.

Istetoskop sa kamilya.

Sa kabila ay tigdas.

Sa katabi ay bulutong.

Sa katabi ng katabi ay ketong.

Sa katabi ng katabi ng katabi ay colored T.B.

Black and white sa color blind.

Mula sa kamilya ay di makita ng near-sighted

kung kaya sa MaMag malayang magasin

sumilip ng mapaglilibangan—horoscope—kanser.

Huling Pagsusuri

Fifo. Unang pumasok, unang lumabas.

Lifo. Huling pumasok, unang lumabas.

Higupin ang ubo, giít ng siít.

Unang hakbang, huling hakbang.

Sabayan ang tugtog ng harana

gamit ang mga bituka na siyang mga kuwerdas ng gitara.

Itong tula ay hinihingian ng larawan at edad.

Walang ibibigay na sariling larawan, o edad

dahil ito ang galit, ito ang pangamba.

May lunas man o wala ang karamdamang dinadala

—buhat, pasan, hila, bitbit, kipkip

—nandito ako sa tambayan.

Kagaya ng iba pang mga tambay

—nakahilera, nakatindig, naghihintay.

May sumitsit sa bandang gilid.

Sa may eskinita ang pagpupumilit.

Walang ibibigay na sariling karne—sariwa man o bilasâ.

Ika-12 ng Hunyo

Lungsód Ng Maynila

Bio: MAKATANG NOBELISTA si Adíng Kiko o Francis Gallano Delgado sa tunay na búhay. Unang edukasyon niya sa San Sebastian College – Recoletos de Manila, at University of Manila. Nang lumaon ay kumuha siya ng kurso sa batas at naging editorial staff sa isang student campus ministry newsletter at law journal. Naging honorary member ng lingguhang pahayagang pangkampus na Dawn, napiling makasama sa AILAP Writing Lab at nakapagtapos sa palihan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), at rehistrado bilang awtor/manunulat ng National Book Development Board (NBDB). Lumabas ang kaniyang mangá akda sa Dawn, at sa literary folionitong Dimension. Inilathala din,ang kaniyang mangá tula at katha, sa libreng tri-annually published na MaMag malayang magasin, at Dawn Poets Society quarterly literary journal, Artikulo Ko To! onlayn, Ovo | Zen, taunang Gawad Alagad Panitikan, at iba pang mangá akdang inilimbag sa tulong ng Tagak Series, at Centralbooks, Philippines Graphic, at Ani ng Cultural Center of the Philippines Intertextual Division. Ginagamitan ng mangá sagisag-panulat, ng nabanggit na awtor sa Tagalog na si Delgado, ang kaniyang mangá pampanitikang akda. Siya ay isa sa mangá alagad ng panitikang Filipino—tagapagturo, patnugot, mangangatha. Nag-aral siya ng kursong Malikhaing Pagsusulat sa Ateneo, at ng kursong Creative Writing sa La Salle.

Sa pinakamamahal kong Ina

Matagal na iyon—at totoong may hardin ka.

Una akong pinahawak mo noong holen

sa iyong dibdib kung saan nakapuwesto

ang malawak na hardin. Doon

ay nagsasalimbayan ang pag-aaruga mo

sa akin na tila kampanilyang puti na

nagsisilbing banderitas sa iyong

pananalita. Ang pumpon ng mga

daisy ay sambulat ng munting talang

dinidëagan ng maraming kulay

ng pagpapalawak ng haraya.

Sa iyong dibdib, habang nakapatong

ang iyong paa sa nangingiliting bermuda

grass ay hinehele mo ako habang

hinahaplos ng iyong kamay ang

buhok ng ginintuang mais sa aking noo,

sabi mo.

Ngunit nagbago ang lahat, ang siklo, lumaki ako.

Ang bulaklak na noon ay palagi mong

dinidiligan, inaawitan, tuwing umaga

ay unti-unting nanlupaypay, pati

ang platong kinakainan na may guhit ng

mga bulaklak ay naging mapusyaw.

Ang basong may talahib na guhit

sa transparen na balat nito’y napupusyaw

na rin.

Nagbago pati ang mga bulaklak na nakikita ko.

Hindi na harding may awit ang nauulinigan

kundi ang bulong ng aircon sa loob ng kuwartong

puti ang pintura kung saan nakasabit ang

krusipiho. Hindi na bango ng daisy, santan, yellow bell

ang pragransiyang nanunuot sa aking mga baga

kundi ang bulok na suha at saging,

anastrozole at dekstros ng ICU.

Nakahiga ka lang habang konektado

ang dekstros sa nanlalambing mong kamay.

Nag-uunahan at nagtatakbuhan ang kurba-kurbang

berdeng guhit sa ventilator at nakapatong

ang breath bag sa iyong nag-iisang suso.

Sa pagpasok ay tinungo ko ang iyong katawan,

inilapat ang halubigat ng aking kanang kamay

sa iyong noo at pinanuot ang init na tila

tarragon sa mainit na tsaa sa nanlalapsi’t

kumukunot mong mukha—umiyak ka.

Ngunit sa hindi ko inaasahang mangyari,

ang isang hardinerang umaawit sa pinapalaking orkidya,

kasama ng santan, daisy, yellow bell, ay nilagutan

ng hininga. Hindi mo na ako kailanman

madidiligan ng sanlibong timbang luha ng saya, at

wala nang maglilinis ng ligalig sa aking mata.

Sabi ko, dekadang pasakit ang lalambigit

sa dibdib kung mawalan. Isang dekadang

pag-alala sa hindi malulunasang sakit,

ng sakit sa pagkahidlaw,

ng sakit sa proseso ng inilambigit na tanikala

sa nakadaop na palad,

ng sakit na walang ina.

Bio: Poet and Journalist Adrian Pete Medina Pregonir is from South Cotabato, Philippines. He is a recipient of the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. He writes is Hiligaynon, Filipino and Bisaya.

Nakahiga ka lamang sa kama:

kung katahimikan ang nangungusap

sa iyo, buong-buong katahimikan,

ano ang naririnig ng mga butáng na nakahinto

na pumipintig mula sa kaniyang mga labi?

Walang salita ang bisperas ng nagwawalang buwan

kahit ito ay kakainin ng Minokawa,

kahit nagmamartsa ang mga aninipot

sa hangin at naghahalo ang kanilang sulô

ay walang salita ang maririnig

mula sa kaniya na umuupo

sa umuugod-ugod na salumpo.

Walang salita ang maririnig

sa kumukunot niyang labi

kahit sasapit ang pagbukas

ng pista ng mga santo

na hihimok sa kaniyang kaluluwa na manalangin

para maligtas sa kalayo

at walang hanggang pagdusa.

Ngunit, kay sakit isipin dahil sakit ang nagpapatikom sa kaniyang

mga labi. Banayad na hangin

ang tanging dumadapya

mula sa nakatutok na bentilador,

at isang radyo na gumagaralgal. Binabalot siya

ng kumot ng hapis habang nakatanday

ang kaniyang ulo sa unan

ng luha at hikbi.

Kahit ang paligid walang kaimik-imik, tanging

mata ang umiikot sa bubungan

at sawaling dingding.

Naaalala kong muli ang bána

niya noong daliri na lang

ang bumubulong habang

nakaratay sa higaan. Walang tinig kahit minokawa at osuang

ang kukuha sa kaniya.

Anong pulos nitong nasasaksihan

kong pagkaratay na inuulit

ng panahon sa mga tagpong

walang natutuhan.

Bawat pagbukas ng mga mata

tuwing umaga ay bumabanaag ito.

Habang ang matandang nilalang

ay bumabalik sa kaniyang kabataan,

namamaluktot ang katawan,

hindi gaano naaaninag ang paligid

na parang sanggol sa sinapupunan,

habang tumitiklop ang mga tuhod

ay umaamin, nagsasaksi

ito sa kaniyang sariling nagawa, kung bakit

hindi niya pinakilala ang tunay kong ama.

Tungod doon, nilamon ako

ng huklubang kahihiyan

na parang tutuldukan ko na lang

ang aking búkas. Kayâ para akong tabako

na nauupos sa kirot ngayon, humuhulagpos

na rin ang lakás.

Bio: Poet and Journalist Adrian Pete Medina Pregonir is from South Cotabato, Philippines. He is a recipient of the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. He writes is Hiligaynon, Filipino and Bisaya.

Umuwi tayo pagkatapos ng misa.

         Humiga ka.

“Boy, kuha kang tubig,” utal mong sabi.

Tumalilis ako sa kusina at pumasok

Ako sa kwarto mong nagdadala ng tubig

At kaba, ng pinaghalong lunkot at saya.

Sabi ni Padre Jefil, “Masaya ang kamatayan

kung may pananalig ka sa Diyos.”

                     Binuksan ko ang pintuan mo.

Nakatulog ka. Binuksan ko ang kurtina gayong

Pumasok ang hangin at sinag sa kuwarto. Ngunit

Nang dumilat sinag mula sa iyong bintana

Di ka nagising. Di mon a ininom ang tubig.

Mahimbing na ang pagkatulog mo.

         Hindi na ako maniniwala kay Padre

         Na masaya raw ang kamatayan!

Bio: Poet and Journalist Adrian Pete Medina Pregonir is from South Cotabato, Philippines. He is a recipient of the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. He writes is Hiligaynon, Filipino and Bisaya.

Naalala ko pa nga noong taong ikaw ay inatake

Nang karamdamang traydor hindi manlang nagsabi

Bumarang dugo sa utak nagdulot ng pananamlay

Mga anghel na doktor ang sumagip ng iyong buhay.

Naawa ang may Maykapal at ikaw ay lumakas

Pag asang dulot nito ay walang katumbas

Subalit bakit ngayon tila nagpapaalam ka

Marahil sa walong taon ikaw ay pagod na.

Miyerkules ng alas onse, huling araw ng Enero

Matapos ang iyong kaarawan, sa ospital tayo tumungo

Hirap sa paghinga muli ay bumabalik

Karamdamang mabigat pilit na kumakapit.

Pumatak aking luha na tila walang humpay

Isang saglit lang kamay mo ay lumupaypay

Buhay mo ay mahigpit kong ibinabalik

Umaasang dalangin ko ay muling maririnig.

Aking nadama katawan mong binalot ng lamig

Ngunit pag ibig mo naman ay nag aalab sa init

Huling sulyap ng iyong mga mata

Iyon na din ang siya mong huling hininga.

Paalam aking Ama, ako ay labis na nangungulila

Sa dagat ng kalungkutan ako ay nalunod na

Sa madilim na kalawakan ako ay nag iisa

Hindi ko mawari paano ko ito makakaya.

Isang halik sa noo at yakap na mahigpit

Ang sa iyo ay di kailanman ipagkakait

Alagang walang kapaguran sayo ay iaalay

Pagmamahal sa iyo Ama ay walang kapantay.

Salamat sa Diyos na patuloy na gumabay

Sa walong taon ng iyong pagkaratay

Binigyan ako ng pag asa at pusong matibay

Awa niya ay sapat di kailanman sumablay.

Sa iyong paglalakbay sa kabilang buhay

Nawa ay makatawid ng payapa sa tulay

At isama ka ng Diyos sa kaniyang tahanan

Kami namang naiwan ay patuloy  na bantayan.

Kapayapaang hatid ng banal na ispirito

Ngayon ko lng nabatid ang misyon nito

Ito ay matinding lakas sa panghihina ng tao

Sa panahong hindi  na makaya at nais ng sumuko.

Bio: I am Annalyn Bermas Santos, 38 years old and a licensed Physical Therapist and Acupuncturist residing in the Philippines. I am the eldest among three. I am responsible for taking care of my father in the last 8 years of his life. Being a single mom of three brought me the heaviest load of responsibility anyone can imagine but despite this adversity I was able to manage distress under the grace of God. Hope that this biggest part of my life will reach thousands of people to encourage them and inspire them through this life’s greatest battle.

Sa pagdako’y sinukat ng mga pagtatapat

Ang mga patlang na pumaslang sa ating mga

         hindi maipagtapat

Hila ko sa aking mga talukap

ang pagpipigil na ipikit sa kawalan

ang mga katotohanang walang ikasasapat

Sa mga kasagutang hindi mo na muli pang

         maisusulat

Hila mo ang aking pakikipagsapalaran

sa kalye ng mga nakaraan nating

         mananatili’t aking mababalikan

Sa paglipas ng mga pagsipat sa pintuang

         sa higaan ko nakatapat

Ang mga pakikipagbiruang huminto sa ating mga

         hindi maipagtapat

Pasan ko lahat sa aking pangangalumata

pipiliting pigilan ang pagluhang sumisinta

Tanggap ngunit ipaglalaban pa ring kutya

Sa mga pagtatanong mo’y susuyurin ang mundong

         kailanman ay hindi sasapat

Pasan mo ang aking mga patlang na pag-asa

sa langit na kinabukasa’y baka uwian mo na

         mananatili ka ba o ako’y babalikan?

Sidhi nitong pagpipiga ng mga parisukat

Ang mga linyang bali-balikong

isinisiwalat ang iyong lagnat

Huwag lang hahandusay ang ating mga pangarap

sa dulo nitong lahat

Kung sa panaginip ko’y makita kang

nakangiti’y sasapat,

Lilipas rin ang mga araw,

ngunit pag-irog sayo’y

di mawawala sa ulirat.

Bio: Bianca Jireh T. Sagum, or Jireh, finds poetry a hobby turned into a therapeutic habit to escape daily realities. An unnecessary enthusiast of dangling sentences, she finds turmeric tea lovely but would rather drink cultured milk if there is some. Plus, she’s also a mental health advocate and is willing to write if for a good cause.

Pasasalamat sa isang bagong umaga.

Punong-puno ng pangarap at pag-asa.

Mga mithiin sa buhay sana ay makita.

Kung hindi ma’y tuloy paring umaasa.

May kaguluhan man sa isipan ngayon.

Ang daming alinlangan ang umaayon.

Kadilimang bumalot sa ating panahon.

Ang nagdulot ay baluktot na kahapon.

Nawala o nasayang man ang nakaraan.

Marami pang pagkakataon ang daraan.

Palagi lang palakasin katawan at isipan.

Magsisilbi itong kalungan at panlaban.

Habang nasa panahon ng paghihintay.

Ang kasiglahan ay panatilihing buhay.

Ganda ng kinabukasan ay makakamtan.

Kung magsusumikap at paghahandaan.

Maglakbay ang isip tungo sa pangarap.

Ibigay ang nais at ang mga hinahanap.

Iugoy ang pagkatao at gawing panatag.

Kung idulot nito ay bukas na matatag.

Liwanag man ay lumisan at magpanlaw.

Dilim ay maglalaho at tatakpan ng ilaw.

Kapitan ng mahigpit at walang bibitaw

Hanggang sa muling pag-sikat ng araw.

Pangagdi ko nga manalingsing

Ang mga binhi nga him-os

Sa idalum sang lapok. HInali

Naga-pangablit ang mga pisik

Sa adlaw gikan sa burungkot sang

Duta kag ang kabuhi naga-sugod. Pantaw ko

Ang pagberde, pag-tubo, pag-padayon

Sa panakayon.

Pag-kusog nila, kag sarang na

Magtindog sang mangisahanon, madasig

Nagakatabo ang tanan – pamulak,

Pamunga, ang tini-on naga kutkot

Sang banas sa kada sanga, pungango, sang

Bulan, tuig; ang dahon naga-alimbuyog,

Ga-pantal, ga-mantsa sa iya

Haluk, nagalayok nga lutoy,

Manipis, masilang, nga mga dahog, alag-ag

Nga mga lawa kag siwalo, naga-pamilak sa pagbutlak sang adlaw.

 Ang mga sanga, naga-bawod sang manubo, panubo kada

Adlaw agud maghaluk

Sa duta

Pasalamat sa kabuhing

Kinaligad.

Bio: Bryan Mari Argos is an alumnus of the University of the Philippines – Open University where he completed both his Master’s in Development Communication and Doctor of Communication. Born and raised in Capiz, he features local culture, cuisine, folklore, and history in most of his work. His work has been recognized by the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature and the Komisyon ng Wikang Filipino, and some have seen international and local publication and recognition. He primarily writes fiction and poetry in Hiligaynon and English. He continues to enrich his literary portfolio and dabbles in film writing and producing.

Sang nagamasakit si Lolo

May kapila siya napatay

Kag nabuhi liwat, liwat

Nagapauli; uli sa balay halin sa

Bululngan may pila ka beses

Na. Nagamuklat siya liwat

Sang iya mata sa bululngan

Liwat-liwat, kag pag-pauli, liwat

Liwat, nagakamatay siya liwan.

Abi namon, kamayad-ayad

Sang bululngan, kay kapila, liwat-

Liwat nila nabuhi si Lolo gikan

Sa kamatayon.

Isa ka aga, sa balay, samtang wala nadiparahan

Nagpiyong si Lolo sang katapusan.

Hinali, amo yadto nga galiwat-liwat siya

Buhi sa bululngan kag magpauli uli

Sang may kapila

Kay sa balay niya

Gusto magpauli.

Bio: Bryan Mari Argos is an alumnus of the University of the Philippines – Open University where he completed both his Master’s in Development Communication and Doctor of Communication. Born and raised in Capiz, he features local culture, cuisine, folklore, and history in most of his work. His work has been recognized by the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature and the Komisyon ng Wikang Filipino, and some have seen international and local publication and recognition. He primarily writes fiction and poetry in Hiligaynon and English. He continues to enrich his literary portfolio and dabbles in film writing and producing.

Sang natumba si Lola

Sa banyo, nabunggo ang iya

Ulo. Sa bululngan, gahigda siya

Wala animo, apang,

Buhi.

Nag-duko ako, naghutik

Sa iya dalunggan, “Lola, indi magkabalaka,

Maayo na kami.”

Nagtunog ang agagangis

Sa sulod sang makina

Kag nag lupad

Si Lola.

Bio: Bryan Mari Argos is an alumnus of the University of the Philippines – Open University where he completed both his Master’s in Development Communication and Doctor of Communication. Born and raised in Capiz, he features local culture, cuisine, folklore, and history in most of his work. His work has been recognized by the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature and the Komisyon ng Wikang Filipino, and some have seen international and local publication and recognition. He primarily writes fiction and poetry in Hiligaynon and English. He continues to enrich his literary portfolio and dabbles in film writing and producing.

Aliw na aliw ang aking hinuha

Sa paminsang pagpapaalala

kung bakit naging kaaliwan natin

ang magbilang ng mga eroplanong

bumabaybay sa madilim na langit

Habang dibdib mo’y sumisikip

sa tila napasobrang hangin

na ikaw lang ang nakalalanghap

Aliw pa rin ang mga hintuturo mong

inuunahang bilangan ang hayag sa akin

Sa kung papaanong sa mga eroplanong

walang pakialam sa atin

Doon sa himpapawid, doon sa malayo’t

matarik at mahirap nang abutin

Tuwang-tuwa tayo kahit

saglit na lamang ang mata mo’y

ipipikit

Baybay ko ang pabaliktad mong paraan

ng pagbabantay sa akin at sa hangin

Aliw na aliw ang aking panindim

Aliw pa rin sa mga ala-alang

mga eroplanong di tayo kilala

ay ating sinuri kung saan ang tutunguhin

Aliw na aliw ang aking hinuha

Pag minsan ko ngang masipat

ang dating kaaliwan natin

Mga pula’t berdeng buntot na nilalagpas-lagpasan

lang ang mga pananaw natin

Paalala na madaling magpaalam

Paalalang madaling maaliw

At kung sa bawat paghinga’y bibilangan

Aliw pa rin itong lahat na hayag sa akin

Sa kung papaanong sa mga eroplanong

kung hindi naman natin piniling pansinin

Doon hayag ang pag-alo mo

Bago mo pinayagang bumitaw sayo ang hangin.

Bio: Bianca Jireh T. Sagum, or Jireh, finds poetry a hobby turned into a therapeutic habit to escape daily realities. An unnecessary enthusiast of dangling sentences, she finds turmeric tea lovely but would rather drink cultured milk if there is some. Plus, she’s also a mental health advocate and is willing to write if for a good cause.

Nakahiga at nakatulala sa dingding

ipipikit ko ang aking mga mata, at sa likod ng mga saradong talukap

ay mga nagpuputukang mga kulay asul berde puti na unti-unting magiging kulay sepia, at dahan-dahang magdidikit-dikit ang mga kalat na kulay upang bumuo ng isang alaala—ang ating tagpuan sa may pav 1

minuto—oras na lumilipas, nakasalampak sa sahig habang pinapanood ang mga muning na tila ‘di na nagsilaki, walang katapusang hintayan para sa isa’t-isa. Maaring galing sa klase, sa tirahan, o kung saan pa man. Walang patid na mananatili hanggang sa dumating ang isa

maaring aalis, pero paniguradong babalik sa tagpuan na ‘yon kinabukasan

daan-daang mga estudyante nagsisilakad ang ating natutunghayan

habang tayo’y nag-iisa,

na tila nagiging static ng radyo kapag nasilayan na natin ang isa’t-isa

sa kahapon at bukas, muling babalik at babalik sa ating tagpuan

minuto–oras–araw–buwan, walang patid na babalik sa lugar na iyon kahit ‘di napag-usapan

kung maaari lang sana, doon na lang tayo sa ating tagpuan

lahat ng aking bukas, para sa isang kahapon

Bio: Cedrick is a Filipino in his mid-twenties still struggling in figuring out how life works. He has a degree in English and has an inclination toward learning languages such as Japanese and Korean. He likes studying about the law as well. In his free time, he likes to play the drums, work out, and pet cats and dogs.

Dagat ang kumot –

may ‘di mabilang na alon ng pangamba

ang mga gusot

naglalakbay sa hangin

ang samyo ng bagabag

mula sa alcohol at ‘di mabigkas na gamot

Saan tayo dadalhin ng

Baling layag?

Paano igagaod ang

Upod at marupok na sagwan?

upang hindi raw tumaob,

kailangan ng

Katig sa magkabilang panig

at naging matatag kaming katig

Kahit pa pumalaot

o

Lumubog

sa kawalan

Bio: A public school teacher in Sto. Tomas National High School, Subic, Zambales. Graduated from President Ramon Magsaysay State University, San Marcelino, Zambales (Formerly Ramon Magsaysay Technological University). Able to publish two flash fiction in a national magazine, titled Tsinelas and Tambol. His short story Tabon is included in the Kataga II Literay Anthology. Self-published a poetry collection entitled Ngiyaw.  Adviser of Dulaang Binhi, a school-based theater group. Teaching Filipino and Music, Arts, Physical Education, and Health (MAPEH) subjects in Grades 9 and 10. A self-taught illustrator, painter, writer, musician promoting environmental, cultural awareness. Creating and producing zines containing visual art / illustrations and literary works.

may tono ang lumbay

sa banghay ng pagsasalaysay

Isinasatinig nito

ang naging saysay ng buhay

sa dibdib

ng mga nakikinig

Umaalingawngaw ang himig

saang bahagi ng kaniyang naging paglalakbay

Ikaw ay kabahagi?

Ngayong gabi

Kukupkupin ng mga liriko

ang mga nagkipkip

ng alaala

Dito sa amin,

kapag may namaalam

may awit na isisilang

*Dung-áw – Salitang Iluko na nangangahuhlugang pagtangis. Isang tradisyon ng mga Ilokano upang awitan ang yumao.

Bio: A public school teacher in Sto. Tomas National High School, Subic, Zambales. Graduated from President Ramon Magsaysay State University, San Marcelino, Zambales (Formerly Ramon Magsaysay Technological University). Able to publish two flash fiction in a national magazine, titled Tsinelas and Tambol. His short story Tabon is included in the Kataga II Literay Anthology. Self-published a poetry collection entitled Ngiyaw.  Adviser of Dulaang Binhi, a school-based theater group. Teaching Filipino and Music, Arts, Physical Education, and Health (MAPEH) subjects in Grades 9 and 10. A self-taught illustrator, painter, writer, musician promoting environmental, cultural awareness. Creating and producing zines containing visual art / illustrations and literary works.

Nangungulila akong may kausap na wala sa aking mundo.

Ikaw yun sa aking nakaraan.

Sa iyo ako tumatakas.

Madali at mabilis na tumatakas.

Mahirap, masakit na wala ka na.

 Bakit ko kailangang pagdaanan ito?

Bakit hindi ang iba?

Nangungulila ako…

Sa iyo…

hanggang ngayon.

Bio: Donna June Bendaña is BPO and administrative professional for more than ten years now. Her advocacies includes taking care of the environment, sustainability, and upholding human rights. Her meaningful hobbies are writing prose and poetry, budget travelling, always looking for adventures, taking photos, building bricks and doing paper crafts. Her work etiquette is to do the tasks on hand with excellence and efficiency. Faith and relationship with God are important to her as having these made her endure life’s difficulties including passing away of parents and a special friend. She treats life as an adventure. Carpe Diem is her motto

Kung nakikita mo ang kulay ng lumbay sa paglubog ng araw hindi sana

ay naaninag mo ang darating na bukangliwayway, ngunit hindi.

Kung nalalangoy  mo ang lalim nito sa daluyong ng dagat baka maibabalik

ang mga nawawalang katawan sa dalampasigan, ngunit hindi.

Kung nararamdaman mo ang lamig nito sa patak ng luha baka maaaring

pahirin, pasiglahin at patuyuin, ngunit hindi.

Ang hindi ko nakita noon ay nasa iyong ngiti pala, nasa ritmo ng iyong musika

at tula, nagbabalat-kayong saya, nagkukubli sa iyong  pangalan.

Naghihimlay  ito sa mukha ng nakatanghod na hibla ng lubid, sa kulay ng hindi

mabilang na tabletas, sa ritmo ng kalabit ng gatilyo, sa rumaragasang riles ng syudad.

Akalaý malakas at matapang ka at sapat na ang alok na pagkakaibigan, ngunit ang sagot

na iyong hinahanap ay walang-hanggang pagkaidlip sa loob ng panaginip.

Hindi ko man kayang arukin ang lalim ng iyong lumbay ngunit sanaý mas mapagkalinga ang aking kamay, umaakaay ang aking puso, matanto mong mayroong nakakaunawa. 

Bio: Errol A. Merquita, humanitarian, poet, fictionist, public health worker, was born in Los Amigos, Tugbok Davao City. He served as program coordinator in various UN agencies. He is currently managing an emergency and early recovery project in the Islamic City of Marawi under an INGO.

hindi na kita makita

paunti-unting lumalabo, ang bawat piyesa

bawat linya sa noo, bawat tagyawat

kada sinulid ng abong buhok

ang iilang ngipin sa ngiti

inaangkin, ninanakaw, nilalamon.

Isang butas ang natira

malalim at madilim

kung saan ka nararapat

ang iyong mga salita ang

iyong mga kwento

ang iyong mga gunita at alaala, nalusaw

sa hangin, nabaon

sa lupa, natapon,

sa bangin at ako’y nagkasala

nang di man kita nakausap

di man kita natanong ng “Kumusta?”

o napagmasdan sa dilaw mong saya

o nasabihan ng “Mahal kita.”

At kahit anong sulat, salita, pagsasagawa

ang ibuhos ko hangga’t walang matirang dugo

sa aking katawan—walang sapat

para ibalik ang bawat butil

ng kaning nahulog sa planggana

para marinig kang pagalitan ako

Saan ka napadpad? Saang dako, saang karagatan?

Ang mga kwentong dapat ikaw ang nagsasabi

nanggagaling sa iba’t ibang bibig

hindi ko sila kilala!

At nang kada araw na lumipas:

ikaw,

parang tanawing tila ginto

sa pagsikat ng araw

pinagmamasdan sa isang sandali

sa bintana ng sasakyan

pabilis ng pabilis

palayo ng palayo

hangga’t nasa distansya na lamang

isang anino, isang alamat

paunti-unting nadudurog, nawawala sa

paningin nang sa huli,

hindi na makita.

Bio: Franz Austin De Mesa is a student writer in Pasay City, Philippines. He is a sophomore taking up AB Creative Writing at the University of Santo Tomas. A writer and a visual artist, his works are mostly about the duality of human nature and the grey areas of morality. He was a contributor in the Dapitan journal (2020) of the Flame, the official student publication of UST Faculty of Arts and Letters.

Ginawa tayo sa mga kahon

Puno ng tubig-buhay

Sa mga kahon tayo nag-swimming-swimming, nag ligid-ligid

Pagputok!

Naglabas tayo sa grabe ka silaw na ilaw

Nabulag tayo – pero nag-iyak.

Gilagay tayo sa mga kahon – parang mga damang

Gin alagaan tayo ng mga naka puti – mga damang  

Gintusok-tusok nila, gilagyan ng tubo sa mga butas ng katawan,

Kahit masakit hindi tayo naka-iyak, hindi naka-sigaw,

Nagdaloy ang malamig at mahapdi na tubig sa mga tubo

Parang mga sapot na nakapalibot

Sa ating mga kahon.

May linya na nagtalon-talon at naga-tunog.

Hanggang sa nawala ang init at singaw-

Nag kamang ang lamig dahan-dahan-

Sa pader at bubong

Nagasigaw ang linyang nagalakad- napagod na,

Pagdating ng mga tao

Narinig natin ang mga umiiyak panalangin

Hindi malakas, parang pabulong

Na parang mga patak ng tubig sa mga kahon

Natulog tayo dahan-dahan.

Bio: Gerald Castillo Galindez is a poet based in Tacurong City, Sultan Kudarat. He teaches at the Notre Dame of Tacurong College as a Senior High School teacher of Language and Literature. He is a member of the SOX Writers Association and a member of SKWA (Sultan Kudarat Writers Association)
His poems appeared in DWG Dagmay Journal, ALPAS Journal, and Mindanao Harvest 4: Anthology of Mindanaon Literature.

Kasaya ng panahon ngayon                                            Krismas

Kadaming gift, makulay, ginabalot ng silopin— 

Lingaw, makapa-excite, makapa-good vibes—

Pero hindi sa bahay namin—

Wala kami naghingi.

Pero kung puwede

Kahit konti lang sana 

Hininga, init

Konting tibok—pulso sa maliliit na kamay.

Konting init,

Konting buhay.

’Yon lang sana.

Kami pala ang magbigay ng regalo ngayon

Ibalot namin sa  karton, silopin

Kahirap buhatin

Luha ang nagatulo, hindi pawis

Kabigat.

Kahirap ipadala  sa langit.